PETROLYO MAY BAWAS PRESYO SIMULA NGAYONG ARAW

PETROLYO-18

MAY rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong araw.

Ito na and ikalawang sunod na linggo na may tapyas sa presyo ng diesel at kerosene.

Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp., may bawas na P0.80 kada litro sa presyo ng kanilang gasolina, P0.85 sa diesel at P0.70 sa kerosene.

Magpapatupad ang Cleanfuel at Petro Gazz ng kaparehong adjustments, maliban sa ckerosene na hindi nila ibinebenta.

Epektibo ang rolbak ngayong alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng adjustments sa alas-8:01 ng umaga.

Sa pinakabagong datos mula sa Department of Energy (DOE), hanggang nitong Oktubre 27, year-to-date, ang presyo ng gasolina ay may net decrease na P4.67 kada litro, P10.26 kada litro para sa  diesel, at P13.59 kada litro para sa kerosene.

Comments are closed.