PETROLYO MAY BAWAS-PRESYO SIMULA NGAYONG MARTES

PETROLYO-18

MATAPOS ang dalawang sunod na linggong pagtataas ay may rolbak sa presyo ng produktong petrolyo simula ngayong Martes, Disyembre 28.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na tataas ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P0.20, diesel ng P0.85, at kerosene ng P0.85.

Magpapatupad ang Cleanfuel at Petro Gazz ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na hindi nila ipinagbibili.

Epektibo ang rolbak ngayong alas-6 ng umaga maliban sa Cleanfuel na may bawas-presyo sa alas-8 ng umaga sa kaparehong araw.

Ipinatupad ang price freeze sa kerosene sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity sa Visayas at Mindanao regions dahil sa bagyong Odette.

Ngayong taon, ang total net increase ng gasolina ay nasa P17.85 kada litro habang sa diesel ay P14.95 kada litro.