PETROLYO MAY DAGDAG PRESYO SIMULA NGAYONG ARAW

PETROLYO-22

SASALUBUNGIN ang mga motorista ng oil price hike sa unang linggo ng 2021.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na tataasan nila ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P0.45, diesel ng P0.30, at kerosene ng P0.40.

Magpapatupad ang Cleanfuel at Petro Gazz ng parehong adjustments, maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.

Epektibo ang price hike ngayong alas-6 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng adjustments sa alas-4 ng hapon.

Sa pinakahuling datos ng Department of Energy (DOE), ang year-to-date adjustments hanggang De-cembe 22, 2020 ay may net decrease na P1.97 kada litro para sa gasolina, P5.91 kada litro para sa diesel, at P2.94 kada litro para sa kerosene.

Comments are closed.