IPINAGPAPATULOY ng nangungunang kompanya ng langis sa bansa—ang Petron Corporation, ang pakikipagtulungan sa Munisipali-dad ng Rosario, Cavite sa pagsusulong sa usapin ng kalusugan. Ang mga lokal na residente ng nasabing bayan ay maaari nang makakuha ng libreng “Primary and specialty healthcare and diagnostic services” sa pormal na pagbubukas ng Petron Clinic.
Ang 280 metriko kuwadradong pasilidad na ito ay mayroong mga modernong gamit medikal gaya ng X-ray Machine, Ultrasound, ECG, at iba pang gamit sa laboratoryo.
Inaasahang ito ang pupuno sa iba pang serbisyong medikal ng mga health center sa bayan ng Rosario.
Habang hindi pa lubos na nagagamit ang ibang serbisyo ng Petron Clinic na aabot sa katapusan ng buwan, patuloy pa rin silang magbibigay ng li-breng konsultasyong medikal.
Kung kinakailangan, ang mga pasyente ay maaaring bigyan ng “refferal” sa iba’t ibang espasyalista ng ibang larangan gaya ng “Endocrinology, Cardiology, Dermatology, at Nephrology”. Inaasahan na sa pagpasok ng buwan ng Agosto ay fully operational na ang pasilidad na ito.
“Petron continues to reaffirm its commitment to nation building, especially in areas where we have major presence,” wika ni Petron AVP for Corpo-rate Affairs and Petron Foundation General Manager Charmaine V. Canillas.
“We will continue to do our part in fuelling a better future for the Municipality of Rosario, a community we are proud to be part of,” dagdag pa ni Canillas. SID LUNA SAMANIEGO
Comments are closed.