INANUNSIYO ng Petron Corp. ang rollback ng presyo ng kanilang liquefied petroleum gas (LPG) simula kahapon.
Sa isang abiso, sinabi ng Petron na may rollback sila ng presyo ng LPG ng P0.20 bawat kilogram. Ang bawas-presyo ay ka-tumbas ng pagbaba ng P2.20 para sa standard 11-kilogram na tangke.
Nagtapyas ang kompanya ng presyo ng kanilang AutoLPG ng P0.10 bawat litro.
Nagsimulang maging epektibo ang price adjustments ng 12:01 A.M. kahapon, Miyerkoles, Mayo 1.
“These reflect the international contract price of LPG for the month of May,” pahayag ng Petron.
Ayon sa huling datos ng Department of Energy, ipinakita ang standard na 11-kilogram LPG cylinder ay nagkakahalaga ng P615 hanggang P800.