PUWEDE nang isakay sa pampublikong sasakyan ng pet owners ang kanilang mga alagang hayop.
Pinayagan na ito ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) batay sa Memorandum Circular No. 2019-019 na nakapaskil sa kanilang wesbite na may petsang April 15, 2019.
Ayon sa LTFRB, maari nang isakay ang mga alagang hayop sa public utility vehicles (PUVs) basta nasa kulungan o ilalagay sa kaukulang animal compartment ng sasakyan.
Kung walang ibang pasahero ay puwedeng hawakan o kalungin ng may-ari ang kanyang alagang hayop basta wala itong mabahong amoy.
Ang pet owners din ang responsable sa kalinisan at sanitation ng hayop.
Nagpaalala naman ang LTFRB na hindi dapat makompromiso ang kaligtasan, convenience at kaginhawaan ng pasahero.
Hindi tinukoy ng ahensiya kung anong mga hayop ang makokonsidera na pets batay sa kanilang circular. NENET VILLAFANIA
Comments are closed.