PEZA-APPROVED INVESTMENTS BUMABA

PEZA-1

DUMANAS ang Philippine Economic Zone Authority (Peza) ng 41 porsiyentong pagbaba sa investment approvals  noong 2018.

Ang investments na nakarehistro sa Peza noong nakaraang taon ay bumagsak ng 40.97 percent sa P140.24 billion mula sa P237.57 billion  noong 2017.  May kabuuang 529 bagong proyekto ang kumatawan sa investment pledges na ito, mas mababa ng 4.51 percent  sa 554 proyekto noong 2017.

Ayon kay Peza Director General Charito B. Plaza, ang double digit decline ay dahil sa ‘uncertainties’ na dulot ng Tax Reform for Attracting Better and High-quality Opportunities (Trabaho) bill.

“The Trabaho bill will gradually reduce corporate income tax to 20 percent in 2029 from 30 percent. In exchange, it will restructure the menu of incentives, such as the 5 percent tax on gross income earned (GIE) in lieu of all local and national taxes, granted to firms in economic zones.”

Sinabi ni Plaza na inipit ng mga potential investor ang kanilang  capital para hintayin ang final provisions ng panukalang batas, habang ipinagpaliban ng mga existing locator ang kanilang expansion plans sa pangambang maalis ang kanilang tax perks.

“The drop is for new investments caused by the uncertainties of change of policies [and] incentives. Peza’s existing IT-BPM [information technology and business process management] industries are expanding and [were at their] highest in the last two quarters when the uncertainties were removed by the Senate’s nonpassage of their version,” sabi pa ni Plaza.

Ang total investments sa IT-BPM industry noong 2018 ay tumaas ng 32.20 percent sa P20.56 billion mula sa P15.55 billion  noong 2017, subalit nagkaroon lamang ng pagtaas sa isang proyekto sa kabuuang 188.

Samantala, ang export receipts mula Enero hanggang Oktubre ng nakaraang taon ay lumobo ng 6.58 percent sa $45.17 billion mula sa $42.38 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Tumaas din ang direct employment ng 7.33 percent sa 1.49 million mula sa 1.39 million.

“Peza industries export income [and] employment did not drop, but continuously increased because [the locators] are maximizing their production before [the] Trabaho bill, which might change the policies, [takes] effect,” paliwanag ni Plaza.

Sa kabila nito, hiniling niya sa mga senador na i-assess ang epekto ng Trabaho bill sa investments bago sila magdesisyon na ipasa ang panukalang batas.

Tiniyak din niya sa mga kompanya sa economic zones na ginagawa ng Peza  ang lahat para mapanatili ang mga umiiral na insentibo o mas mapalaki pa ang mga ito upang higit silang maging kumpetitibo sa ibang bansa sa paghikayat ng mga investor.

“Peza industries are exporters and are efficiency seekers, so they weigh the advantages and disadvantages of countries’ incentives and other factors [for] production given the huge capital investments they will [bring to] in the country of their choice,” dagdag pa ni Plaza. ELIJAH FELICE ROSALES

Comments are closed.