HINIKAYAT ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang bumibisitang Dutch businessmen na mag-invest sa ecozones sa bansa.
Ayon sa PEZA, ang mensahe ay ipinarating ni Acting Group Manager Rowena Naguit sa Dutch business delegation sa isang event sa The Manila Hotel na inorganisa ng Dutch Chamber of Commerce noong Oktubre 2.
Ibinida ni Naguit ang lumalaking investment potential sa ecozones sa buong bansa, na maaaring i-explore ng Dutch firms para sa bagong growth opportunities at palakasin ang partnerships sa pagitan ng Netherlands at ng Pilipinas.
Sinabi niya na sa pamamagitan ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) bill na naghihintay na lamang ng pirma ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr., matatamasa ng Dutch businesses ang mas mababang corporate income tax rate sa bansa.
Sinabi ni Naguit na dahil karamihan sa Dutch delegation ay nagmula sa logistics, manufacturing, food hubs and storage, at distribution businesses, kailangan ng bansa ng mas maraming investments sa mga larangan na ito na magpapahusay sa logistics sector na sumusuporta rin sa food security goals ng administrasyong Marcos at magpapababa sa presyo ng pagkain para sa mga Pilipino.
“To date, PEZA is home to 94 registered Dutch companies/projects, which generated about PHP26.90 billion, generating USD5.71 billion in exports, and creating more than 350,000 direct jobs for Filipinos,” ayon sa PEZA.
Sa naturang event ay iprinisinta rin nina Department of Trade and Industry Undersecretary for the E-Commerce Group Mary Jean Pacheco, Maritime Industry Authority OIC Director Precy Jara, Clark International Airport Corp. Department Manager Melissa Feliciano, at Prime Philippines founder and chief executive officer Jet Yu also ang iba pang investment sa bansa. ULAT MULA SA PNA