TATALAKAYIN ng Philippine Football Federation (PFF) ang makasaysayang tagumpay ng Philippine women’s football team sa AFF Women’s Championship sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes, Hulyo19.
Dadalo sina PFF president Mariano ‘Nonong’ Araneta at secretary general Atty. Ed Gastanes sa 10:30 a.m. session, kasama sina players Hali Long, Inna Palacios, at Cam Rodriguez kung saan babalikan nila ang landmark feat ng mga Pinay noong Sabado ng gabi kung saan nakopo ng AFF ang korona sa kauna-unahang pagkakataon.
Binokya ng mga Pinay ang regional rival Thailand, 3-0, sa finals na nilaro sa harap ng 8,000 crowd sa Rizal Football Stadium.
Ang weekly Forum ay itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Amelie Hotel Manila, Unilever, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ang public sports program ay ila-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na ibinabahagi rin ito sa kanilang official Facebook page.