PGH, 90% NA ANG COVID-19 BED CAPACITY

NASA 90% na ang COVID-19 bed capacity ng Philippine General Hospital (PGH), na isa sa pinakamalaking COVID-19 referral hospital sa bansa, kahit pa unti-unti nang bumababa ang mga kaso ng sakit na naitatala sa Metro Manila.

Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario, sa ngayon ay 234 na sa 250 COVID-19 beds ang okupado ng mga pasyente.

Mayroon din naman aniyang 80 pasyente ang naghihintay para ma-admit sa PGH at malapatan ng lunas.

“That’s more than 90 percent occupancy. Ang aming ICU (intensive care unit) puno pa rin. Ang aming emergency room ay puno rin, madaming tinatanggap na pasyente,” ani del Rosario, sa panayam sa teleradyo.

“Halos 80 patients po ang naghihintay para matanggap sa’ming ospital. Puno po ang charity beds namin. Ang isang nagiging limitasyon ay oxygen ports,” aniya.

Kinumpirma pa ni Del Rosario na may downtrend na ang mga kaso ng virus, ngunit nito aniyang nakalipas na tatlong araw ay nadagdagan na naman ito.

“Nagulat kami 234 na naman, akala namin tuloy-tuloy na (ang pagbaba ng cases),” aniya pa.

“Kung babasehin sa numero namin, siguro mas okey i-extend pa ang MECQ. From now to mid-May, tingnan natin ang mga datos, baka naman mas malaki ang ibaba.” Ana Rosario Hernandez

3 thoughts on “PGH, 90% NA ANG COVID-19 BED CAPACITY”

  1. 664867 506919Howdy just wanted to give you a brief heads up and let you know a couple of with the pictures arent loading properly. Im not confident why but I feel its a linking problem. Ive tried it in two different internet browsers and both show exactly the same outcome. 367039

  2. 703654 960039Normally I do not learn post on blogs, even so I would like to say that this write-up very pressured me to have a look at and do so! Your writing style has been surprised me. Thank you, quite excellent post. 33108

Leave a Reply

Your email address will not be published.