MAGHIHINTAY na lamang umano ng mas epektibong bakuna na paparating laban sa COVID-19 ang Chaplain ng Philippine General Hospital (PGH) na si Fr.Marlito Ocon, SJ.
Tugon ito ng pari sa pag-arangkada ng vaccination program ng gobyerno kung saan isinagawa ang makasaysayang pagbabakuna sa PGH at ilang mga hospital sa National Capital Region (NCR).
“I’d rather wait for the best one kung meron mang darating. Kasi sinasabi naman nilang meron. Hindi naman siya parang ‘yan lang ang darating na kailangan natin or ‘yan lang ang vaccine mayroon na kailangan natin to take the risk for the sake also of the people we serve, our patients and to all frontliners na nandirito [sa ospital],” bahagi ng pahayag ni Fr. Ocon sa panayam ng Radio Veritas.
Isa sa mga dahilan ni Fr. Ocon sa hindi pagpapabakuna ng Sinovac ay dahil kapag nabakunahan na nito ay hindi na puwede pang tumanggap ng ibang uri ng COVID-19 vaccine.
“Once na mabakunahan ka ng Sinovac, by the time na dumating yung Pfizer or other better vaccines hindi ka na maaaring magpabakuna ng iba pang vaccine,” ayon pa sa pari.
Umaasa naman si Fr.Ocon na ginagawa ng pamahalaan ang kanilang makakaya upang makakuha at maibigay sa publiko ang mas epektibo at ligtas na vaccine lalo’t higit sa mga health worker na pinaglilingkuran ang mga mas nangangailangan ng karampatang lunas.
Batay sa Food and Drug Administration, ang Sinovac ay ang biopharmaceutical company mula sa Beijing, China na lumikha ng CoronaVac na nasa 50-percent lamang ang efficacy rate kumpara sa ibang COVID-19 vaccine.
Inirerekomenda lamang ang pagbabakuna ng Sinovac sa mga indibidwal na may edad 18 hanggang 59 na taong gulang at hindi para sa healthcare workers na mas lantad sa COVID-19. PAUL ROLDAN
490688 45660I got what you intend, saved to my bookmarks , extremely decent internet site . 378272
544528 158655Spot lets start work on this write-up, I truly think this fabulous website needs a great deal more consideration. Ill apt to be once more to learn far much more, appreciate your that information. 729886