PGH ‘DI NA TATANGGAP NG CRITICALLY ILL NA COVID PATIENT

UP-PGH

INAMIN ng tagapagsalita ng Philippine General Hospital (PGH) na hindi na nila kaya pang tumang­gap ng mga ‘critically-ill’ na coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients na mula sa ibang health facilities.

Ipinaliwanag ni del Rosario na sa ngayon ay mayroon na silang nilulunasang 196 COVID-19 patients, at okupado ng mga ito ang 93 porsiyento ng 210 beds na inilaan nila para sa naturang respiratory disease.

Maging ang 90% ng mga beds sa intensive care unit (ICU) ng pagamutan ay okupado na rin at ang natitira pang bakanteng beds dito ay nakareserba naman na sa mga pasyente nilang naka-confine, sakaling lumala ang kondisyon ng mga ito.

“Hindi po kami makatanggap ngayon ng mga cri­tically ill na galing sa ibang ospital,” ani del Rosario, sa panayam sa radyo.

Paglilinaw naman ni del Rosario, tumatanggap pa rin sila ng mga COVID-19 patients na may moderate symptoms, habang ang mga mayroong mild symptoms ay inire-refer naman nila sa ibang pagamutan.

Matatandaang ilang pagamutan na rin sa Metro Manila ang nag-anunsiyo kamakailan na full capacity na rin ang kanilang mga inilaang COVID-19 wards.

Inamin naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa danger zone na ang kapasidad ng mga medical centers dahil sa patuloy na pagdami ng mga pasyente ng virus.

Ang PGH ay isa sa mga itinalaga ng pamahalaan bilang referral hospitals ng bansa para sa COVID-19.  ANA ROSARIO HERNANDEZ

3 thoughts on “PGH ‘DI NA TATANGGAP NG CRITICALLY ILL NA COVID PATIENT”

  1. 556948 893596You produced some decent points there. I looked online to the concern and discovered a lot of people is going in addition to utilizing your web site. 787680

Comments are closed.