QUEZON-PINANGUNAHAN ni PRO4A Regional Director BGen.Carlito Gaces ang paggagawad ng parangal sa Quezon Police Provincial Office sa pagiging Performance Governance System (PGS) Institutionalized Status sa halos ilang buwan na pagsisikap at pahahahanda ng Quezon police upang maabot ang tagumpay.
Nakatanggap din ang Quezon PPO ng Sertipiko at Silver Eagle Award nang makuha ang over all rating na 91.70% sa PNP Patrol Plan 2030.
Sa naging mensahe ni Quezon Provincial Director Col.Ledon D. Monte sa harapang ng buong kapulisan ng Quezon na patuloy pang nilang pagsusumikapan at maghahangad pa ang Quezon PPO ng mas mataas na antas at patuloy pa nila patataasin ang kanilang kakayahan, epektibo at kapani-paniwalang serbisyo ng pulisya para sa mamamayang Quezonian.
Sa naging pagsasalita naman ni Gov.Angelina”Helen” Tan bilang panauhing tagapagsalita ay kinilala at binigyang papuri nito ang nakamit ng Quezon PPO na isang tagumpay at magsilbi rin sanang motibasyon para sa mas higit pang mapaglingkuran ng kapulisan ang buong lalawigan ng Quezon. BONG RIVERA