PH 2023 GROWTH FORECAST ITINAAS NG WORLD BANK SA 6%

World-Bank

UMANGAT ang forecast ng World Bank sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon.

Sa isang statement, sinabi ng World Bank na itinaas nito ang kanilang growth forecast para sa Pilipinas sa 6% mula 5.6% noong Marso. Ang latest forecast ay pasok sa 6% hanggang 7% target ng pamahalaan.

“Strong domestic demand is underpinned by consumer spending drawing strength from the continuing jobs recovery and the steady flow of remittances,” sabi ng World Bank.

“Fixed capital investment will also contribute to growth, anchored on upbeat domestic activity, and improved business confidence,” dagdag nito.

Ang services sector ng bansa ay makikinabang din sa spillover mula sa muling pagbubukas ng ekonomiya ng China, na mag-uudyok ng paglago sa local space.

Sa pagluluwag ng COVID-19 travel rules ng maraming bansa, sinabi ng World Bank na makikinabang ang Pilipinas mula sa pinalakas na transportation services, accommodation, at food services, gayundin sa wholesale at retail trade services.