PATUNAY na mabilis na sumisikat ang 3×3 basketball sa bansa, ang Philippine men’s team na nakakuha ng ticket sa Tokyo Olympics qualifier ay nakatakdang tumanggap ng special honor sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night ngayong Biyernes sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Pinangungunahan ng dynamic duo nina Alvin Pasaol at Joshua Munzon, ang koponan ang 2019 Chooks-To-Go Fan Favorite awardee sa March 6 event na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, AirAsia, at Rain or Shine.
Ranked 59th sa pagsisimula ng 2019, ang mga Pinoy ay umakyat sa top 20 list sa pagtatapos ng taon upang makakuha ng ticket sa Olympic Qualifying Tournament na nakatakda sa Marso 18-22 sa Bengaluru, India.
Ang mga naunang napili bilang Mr. Fan Favorite ‘Manok ng Bayan’ awardee na handog ng Chooks To Go, sa pamumuno ni Ronald Mascarinas ng Bounty Agro Ventures Inc., ay sina three-time PBA scoring champion Terrence Romeo at future NBA prospect Kai Sotto.
Ang pagkopo ng world ranking points para sa PH team ay naisagawa sa pagdaraos ng pioneering 3×3 league Chooks-To-Go Pilipinas, at kasabay nito ay sa pagho-host ng dalawang major international meets sa bansa, na kapwa may level-eight ratings and above.
Si Santi Santillan at ang iba pang top notch Filipino players ay nagsalitan sa pagsabak kasama sina Munzon at Pasaol sa panahon ng year-long campaign.
Ang Filipinas ay nalagay sa Pool C, kasama ang Slovenia, France, Qatar, at ang Dominican Republic sa 20-team qualifier, na hinati sa four-group competition.
Tanging ang top three countries sa pagtatapos ng meet ang makakasambot ng puwesto sa Tokyo Olympics, kung saan lalaruin ang 3×3 event sa unang pagkakataon.
Ang PH 3×3 men’s team ay isa lamang sa halos 200 athletes, personalities, at entities na nasa PSA honor roll list ngayong taon.
Ang mga awardee ay pinangungunahan ng 30th Southeast Asian Games overall champion Team Philippines, na gagawaran ng coveted Athlete of the Year honor.
Bibigyang-pugay rin sa two-hour program sina world gymnastics champion Carlos Yulo (President’s award), PH team SEA Games Chef De Mission at PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez (Executive of the Year), at legendary Efren ‘Bata’ Reyes (Lifetime Achievement Award), na magsisilbing special guest of honor at speaker for the night.
Comments are closed.