PH AANGKAT NG 300K MT NG MAIS

MAIS

KINOKONSIDERA ng pamahalaan ang pag-angkat ng 300,000 metric tons (MT) ng mais na duty-free upang mapunan ang kakulangan sa local supply dulot ng production loss sa Northern Luzon sanhi ng pananalasa ng bagyong Ompong noong nakaraang buwan.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol, sa ilalim ng panukala ay aangkat ang National Food Authority (NFA) at ibebenta ang imported volume sa local feed millers para makakuha sila ng mas murang mais.

“[We are looking at] NFA to import [corn] so it could be tariff free. With this, feed millers would have access to cheaper corn,” wika ni Piñol.

“The NFA will import then sell it to the private sector with a little bit of profit margin,” dagdag pa niya.

Ang bansa ay nagpapataw ng 35-percent tariff sa corn imports na pasok sa minimum access volume, habang ang nasa labas ng quota ay pinapatawan ng 50-percent duty. Ang mais mula sa Asean member-countries ay sinisingil ng 5 percent tariff.

Sinabi ni Piñol na inaprubahan niya kamakailan ‘in principle’ ang importasyon ng 300,000 MT ng mais subalit walang nag-a-apply mula sa local feed millers.  JASPER ARCALAS

Comments are closed.