NAKATAKDANG magsasagawa ng isang “friendly consultation” ang Filipinas at China matapos na muling uminit ang usapin ng Arbitral Tribunal ruling sa West Philippine Sea, kasunod ng pahayag ng ilang mataas na US Officials na tahasang binu-bully ng China ang bansa at ibang claimant countries sa South China sea.
Nauna rito bago pa ang paggunita sa ikaapat na anibersaryo nang paglabas ng Arbitral Ruling ay lumabas din sa ng survey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS) ngayong buwan na pito sa bawat 10 Filipino ang naniniwalang dapat ilaban ng gobyerno ang maritime claims ng bansa.
Sinabi ni US Secretary of State Mike Pompeo na ang patuloy na pag-aangkin ng Beijing sa malaking parte ng South China Sea ay labag sa batas at maging sa hatol ng The Hague noong July 2016.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nabuo ang planong konsultasyon makaraang magkaroon ng virtual meeting sina Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. at Chinese Foreign Minister Wang Yi.
Nangako naman ang dalawang panig na kikilos na may respeto para sa maritime cooperation sa kontrobersyal na bahagi ng West Philippine sea.
Bago ito ay muli ring iginiit ng Chinese official na hindi nila kinikilala ang The Hague ruling dahil hindi naman sila konektado sa naturang tribunal at hindi rin nakibahagi sa mga pagdinig.
Matatandaang ipinaalala ng US na sa idinaos na ASEAN Summit nitong nakalipas na buwan ay nagkaisa ang ASEAN leaders na kilalanin ang kahalagahan ng pananatili ng South China Sea “as a sea of peace, stability, and prosperity.”
At upang ipakita at palakasin pa ng US ang kanilang suporta para sa soberanya at kalayaan sa karagatan ay inihayag ng United States ang mga mahalagang pagbabago sa U.S. policy kaugnay sa maritime claims sa South China Sea.
“As U.S. Secretary of State Pompeo, the United States rejects any People’s Republic of China (PRC) maritime claims within the Philippine’s Exclusive Economic Zone or continental shelf, and claims in waters beyond 12 nautical miles from the islands in the Spratlys. Beijing’s harassment of Philippine fisheries and offshore energy development within those areas is unlawful, as are any unilateral PRC actions to exploit those resources,” ayon sa inilabas na pahayag ng US Embassy
“Under the 2016 Arbitral Tribunal Award, which is final and legally binding, the Philippines enjoys sovereign rights and jurisdiction with respect to the natural resources in its EEZ,” ayon pa sa embahada
Kaugnay nito ay naninindigan naman ang Filipinas na “non-negotiable” ang hawak na hatol na pabor sa ating bansa.
“The arbitral tribunal’s award of 12 July 2016 represents a victory, not just for the Philippines, but for the entire community of consistently law-abiding nations,” pahayag naman ni Secretary of Foreign Affairs Locsin. VERLIN RUIZ
Comments are closed.