Kuala Lumpur, Malaysia-Sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kina Malaysia’s King Al-Sultan Abdullah at Queen Azizah, sinabi nito na mahalaga ang papel na ginagampanan ng dalawang bansa para tuluyang makabangon mula sa pandemya.
“It is time for us to really examine those relationship and restrengthen those relationship and that, for me, is the most important aspect of this visit that I have made to Kuala Lumpur, to Malaysia,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Binigyan ang Pangulo ng state welcome ceremony at 21-gun salute pagdating sa Istana Negara o ang Palasyo ng Malaysia.
Kasama sa mga sumalubong kay Pangulo sina Prime Minister Dato’ Seri Anwar Ibrahim at asawang si Dato’ Seri Dr Wan Azizah Wan Ismail.
“I believe that it is the way for us to refocus our efforts together to mutually beneficial initiatives for our two countries and to see how we can help one another as we face the post-pandemic future,” sabi pa ni Marcos.
Ayon pa rin sa Pangulo, ang pagiging kasapi ng Pilipinas at Malaysia sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) ay magiging sandalan para palakasin pa ang relasyon lalo at dumaan sa matinding pagsubok ang mundo sa mahigit na dalawang taon bunsod ng pandemya sa COVID-19. E QUIROZ