PH ATHLETES TODO PAGHAHANDA SA ASEAN PARA GAMES

PH Athletes

PUSPUSAN na rin ang paghahanda ng differently abled athletes para sa ASEAN Para Games na gaganapin matapos ang Southeast Asian Games sa ­Nobyembre.

“Our athletes are busy preparing for the ASEAN Para Games,” sabi ni Philippine Sports for the Differently Disabled president Michael Barredo sa panayam sa kanya matapos na makipagpulong kay PSC Chairman William Ramirez.

Tulad ng mga regular athlete, tinutulu­ngan din ng PSC ang mga atletang sasabak sa ASEAN Para Games, sa pangunguna nina  Olympic bronze medalist Adeline Dumapong at Brazil Paralympics table tennis bronze medalist Josephine Medina.

Sinabi ni Barredo na makikipagpulong siya sa mga namumuno sa iba pang sports upang hingin ang kanilang tulong para mapalakas ang programa at makatuklas na mga atletang may potensiyal na makapaglaro sa darating na ASEAN Para Games.

“I will meet all the presidents of various sports associations and discuss with them all important matters to effectively strengthen the programs aims to tap young talents,” sabi ni Barredo.

Aniya, nangako si Chairman Ramirez na tutulungan siyang mapalakas ang programa at makatuklas ng mga bagong atleta na may potensiyal na magbigay ng  karangalan sa bansa.

“Chairman Ramirez promised me to support my grassroots programs,”  sabi ni Barredo.

“Para Games will be held in Manila. We will field many athletes to have good chances in winning medals and the overall championships,” dag-dag pa niya. CLYDE MARIANO

Comments are closed.