PH-AUSSIE ECONOMIC, TRADE TIES LALO PANG PALALAKASIN

PH-AUSSIE

ISUSULONG ng bagong talagang Australian envoy ang lalo pang pagpapalakas sa ugnayang pang-ekonomiya at pangkalakalan ng Australia at Filipinas.

Sa ginanap na press conference sa Seda Hotel sa Cebu City kamakalawa,  sinabi ni Australian Ambassador to the Philippines Steven Robinson na ibig niyang makita ang pagtaas ng kalidad ng negosyo at investment sa pagitan ng dalawang bansa.

“I want to see increased trade and investment between the two countries, trade is something we can further bolster. More can be done,” pahayag ng opisyal.

Ayon kay Robinson, ang trade at investment sa pagitan ng Fipinas at ng Australia ay nasa AU$5 bilyon kada taon kung saan may posibilidad na lalo pa itong lumaki.

“(That figure) is not really much. There’s more we need to do,” mariing pahayag ng Australian envoy. “We have to give that a push.”

Hinikayat naman ni Robinson ang Australian companies na mag- invest sa bansa, gayundin ang mga Filipino investor sa Australia.

Sa kasalukuyan ay aabot sa 300 Australian companies ang may operasyon sa bansa, partikular na sa sektor ng banking, mining at energy kung saan may  44,000 manggagawang Pinoy ang nakikinabang dito.

Kabilang sa Australian firms na may negosyo sa bansa ay ang Austal, Telstra, QBE Group, Qantas, IDP, GHD, Crone at Greenstone.

“I see the Philippine economy sustaining its above 6% growth in the next 10 years where I want more companies from my country to be part of that growth,” pahayag pa ni Robinson.

“Your fundamentals are good. Your economy is booming,” dagdag pa niya.

“Australia and the Philippines are close friends. Our friendship starts with the deep bonds between our people and we enjoy broad cooperation in trade, development, defence and security,” aniya.

Nabatid na si Robinson ay bumisita sa Cebu para sa  selebrasyon ng Philippines-Australian Friendship Day.

Base sa tala, may 300,000 Pinoy ang naninirahan sa Australia habang aabot naman sa 12, 600 Pinoy ang sumasailalim sa pagsasanay at pag-aaral.          MHAR BASCO

One thought on “PH-AUSSIE ECONOMIC, TRADE TIES LALO PANG PALALAKASIN”

Comments are closed.