UMAARAY na ang small and medium-sized banana growers sa Filipinas sa work stoppages at pagsasara ng merkado sa China dahil sa coronavirus outbreak.
Ang Filipinas ay second-largest exporter ng saging sa mundo.
Ang mainland China ay isa sa pinakamalaking buyer ng saging sa mga bansa sa Southeast Asia. Kasama ang Japan, binili nito ang mahigit sa kalahati ng banana exports ng Filipinas noong nakaraang taon.
Ang banana shipments ng PH noong nakaraang taon ay nagkakahalaga ng $1.93 billion, mas mataas ng 40 percent noong 2018, at bumubuo sa 3 percent ng overall exports.
Nakipagpulong ang mga kinatawan ng Pilipino Banana Growers & Exporters Association sa farm ministry officials noong Lunes upang talakayin ang mga problema sa industriya, kabilang ang outbreak ng COVID-19.
“The China problem is not as serious for the big exporters because of their existing contracts with the importers,” wika ni Stephen Antig, ang executive director ng grupo.
Pinakaapektado, aniya, sa virus outbreak ang small and medium-sized growers na nakikitungo sa spot buyers.
“Their shipments cannot be readily delivered, because of the work shutdown and closure of markets,” sabi ni Antig sa Reuters. “Chances are, some of the fruit will get rotten on the piers sooner or later.”
Inaasahang makikita sa January trade data na ipalalabas sa susunod na buwan ang initial impact ng problema sa shipment ng banana exports.
“For now, it is very difficult to come up with figures, even rough estimates.”
Comments are closed.