Si baseball secretary-general Pepe Munoz, kasama sina national players Adrian Bernardo at Jenald Pareja, sa PSA Forum kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex. PSA PHOTO
MABIGAT ang magiging laban ng Philippine baseball team sa darating na 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
At sa kabila na hindi lumahok sa quadrennial event noong 2010, 2014 at 2018, ang mga Filipino batters ay nangakong magbibigay ng magandang laban sa sport na lalaruin sa Sept. 27-Oct. 7.
“We’re looking forward to it. We deserve to be in the Asian Games,” pahayag ni Philippine Amateur Baseball Association (PABA) secretary-general Pepe Munoz sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes sa Rizal Memorial Sports Complex.
Subalit mas madali itong sabihin kaysa gawin para sa mga Pinoy, na kasalukuyang ranked No. 36 sa mundo.
Ang Pilipinas ay kasama ng China, ang world No. 23, at ng Japan, ang world No. 1 sa grupo. Upang umabante sa susunod na round, ang Pilipinas ay kailangang manalo ng kahit isang beses sa kanilang dalawang laro, at isa laban sa fourth qualifier sa grupo – Singapore o Thailand.
Nasa ibang grupo ang South Korea (world No. 4 at reigning Asian Games champion), Chinese-Taipei (No. 5), Hong Kong (No. 45) at ang fourth qualifier.
“The Asian Games is very important because it has a very big impact on our world ranking. And we get the chance to compete and show who we are,” sabi ni Munoz, na sinamahan sa forum nina team members Adrian Bernardo at Jenald Pareja.
“I believe we’re at the same level with China. In 2019, we beat China, 1-0. So, we will do our best. We will be there to win. It’s hard to beat Japan. But maybe we can find a way. Only the top two teams from each group will advance to the super round. That’s why it’s very important to beat China,” dagdag pa niya.
Ang mga Pinoy, na gagabayan nina Isaac Bacarisas at Orlando Binarao, ay tutungo sa Hangzhou na puno ng kumpiyansa matapos ang title sweep sa nakalipas na BFA East Asian Baseball Cup at ang kanilang gold-medal performance sa 2019 SEA Games sa home soil.
“Malakas talaga ang Japan. Pero we will do our best,” ani Bernardo.
CLYDE MARIANO