TULAD ng ibang atleta ay hindi rin nagpapabaya ang Pinoy baseball players para masiguro ang tagumpay sa darating na Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Disyembre.
Ang mga miyembro ng koponan ay kasalukuyang sumasabak sa UAAP baseball na ginagawa sa Rizal Memorial Baseball field.
“Philippines is the defending champion. We have to field the best players in town to ensure victory and preserve our lofty billing as ruler of baseball in Southeast Asia and satisfy our countrymen who will be watching our players for the first time,” sabi ni Philippine Amateur Baseball Association (PABA) president Joaquin ‘Chito’ Loyzaga.
Pinasimulan ni Loyzaga ang malaking pagbabago sa baseball matapos na mahalal na presidente ng PABA na matagal na pinamunuan ni Hector Navasero, kabilang ang pagtanggal sa matatandang players at pinalitan ng mga bagitong manlalaro mula sa UAAP at iba pang liga.
“We have to prepare and train the players to ensure victory and give our countrymen something to cheer for. They will be watching our players for the first time,” wika ng dating PBA player.
Kamakailan ay lumahok ang Pinoy batters sa torneo sa Chinese Taipei, kasama ang mga manlalaro mula sa United States, Japan, South Korea, Sri Lanka, Hong Kong, Pakistan, Thailand at Indonesia.
Ngayon lang lalaruin ang baseball sa SEA Games magmula noong 2011 sa Indonesia kung saan naghari ang Pinas. CLYDE MARIANO
Comments are closed.