PH BEACH SPIKERS BIYAHENG THAILAND PARA SA CONTINENTAL CUP

Ramon Suzara

UMALIS kahapon ang Philippine beach volleyball team patungong Thailand para sumabak sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Continental Cup, isang Olympic qualifying event na may nakatayang dalawang slots—top men at women finishers— sa Tokyo.

Ang two-day competition ang ikalawang bahagi ng continental tournament. Nakatakda ito sa Biyernes sa Nakhon Pathom province.

Ito ang unang international competition ng bansa para sa isang national volleyball team magmula noong 2019 Southeast Asian Games at una rin para sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) magmula nang itatag ito noong Enero.

“We are hoping for a strong finish for our men and women beach volleyball teams in this Olympic qualifier,” wika ni PNVF President Ramon ‘Tats’ Suzara. “Our athletes are adequately prepared for the competition, having set up a training camp in Pagudpud since last month.”

Ang dalawang women’s teams ay kinabibilangan ng pares nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons, at Dij Rodriguez at-bBabylove Barbon. Sina Mer Jauculan at Gen Eslapor ang reserves.

Ang men’s squads ay binubuo ng tandem nina Jaron Requinton at James Buytrago, at ng duo nina Jude Garcia at Anthony Arbasto. Sina Ranran Abdilla at Philip Bagalay ang alternates.

Si Rondina, beterano ng 2014 Continental Cup, kasama sina Pons at  Rodriguez, ay nagwagi ng bronze medal sa 2019 SEA Games. Naging bahagi si Dzi Gervacio ng koponan ngunit hindi nakasama sa Thailand dahil sa left knee injury.

Pinasalamatan ng PNVF ang Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez para sa pagsasanay at paglahok ng koponan sa Thai tournament, gayundin si Ilocos Norte Governor Matthew Manotoc sa pag-suporta sa training camp ng mga atleta sa Saud Beach sa Pagudpud.

Makakasagupa ng Filipinas ang Japan, New Zealand at Sri Lanka sa women’s contest kung saan ang top two teams ay aabante sa  final phase sa June 25-27.

Sina Requinton, Buytrago at  Garcia ay nanalo rin ng breakthrough bronze medal sa 2019 SEA Games. Makakaharap ng Philippine men’s teams ang Australia, Japan, Kazakhstan at Lebanon.

Ang No. 1 men’s team ay uusad din sa third at  final round ng qualifiers.

Ang mga koponan ay sasamahan nina national coaches Paul Jan Doloiras (women) at Rhovyl Verayo (men) at PNVF board member at Beach Volleyball Commission chairperson Charo Soriano.

7 thoughts on “PH BEACH SPIKERS BIYAHENG THAILAND PARA SA CONTINENTAL CUP”

  1. 461334 900964Hello there! I could have sworn Ive been to this blog before but soon after checking via some with the post I realized its new to me. Anyhow, Im surely glad I discovered it and Ill be bookmarking and checking back frequently! 316344

Comments are closed.