UMABANTE ang Philippine men’s national football team sa semifinals ng Asean Mitsubishi Electric Cup makaraang pataubin ang home team Indonesia, 1-0, sa Manahan Stadium sa Surakarta noong Sabado ng gabi.
Sa panalo, ang Pinoy booters ay may kabuuang 6 points sa Group B upang tumapos na pangalawa sa likod ng Vietnam na may 10 points at umusad sa Final Four ng torneo sa unang pagkakataon magmula noong 2018.
Ito rin ang unang pagkakataon na tinalo ng Pilipinas ang Indonesia magmula nang maitala ang 4-0 panalo sa 2014 ASEAN Championship.
Kinamada ni Bjørn Kristensen ang nag-iisang goal sa laro sa 63rd minute nang kalmado niyang naipasok ang isang penalty kick.
Nakakuha ang Pilipinas ng penalty kasunod ng VAR review sa foul kay Yrick Gallantes.
“The Philippines deserved to be in the semifinals for all they did in all games. We should have qualified before already, we didn’t because we missed a lot of chances, and today finally, it was on our side,” wika ni Philippine national team head coach Albert Capellas.
“I’m very happy for the players, I’m very happy for all our staff, I’m very happy for everyone in the Federation, and I’m very happy for the country of the Philippines.”
Nakakolekta ng isang panalo at tatlong draws, makakaharap ng mga Pinoy ang Group A leader Thailand sa two-leg semifinals habang makakasagupa ng Vietnam ang Group B second placer Singapore sa isa pang semis pairing.
Ang first leg ay gaganapin sa Rizal Memorial Stadium sa Manila sa December 27 at ang second leg ay sa December 30 sa Rajamangala Stadium sa Bangkok.