“BABAWI kami!”
Ito ang ipinangako ni bowling coach Rafael Nepomuceno sa pagsabak ng kanyang mga bataan sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.
Ayon kay Nepomuceno, palaban at determinado ang mga Pinoy na manalo at muling kunin ang tiwala at paghanga ng kanilang foreign counterparts.
Hindi maganda ang ipinakita ng mga Pinoy bowler sa dalawang nagdaang SEA Games sa Singapore at Malaysia, gayundin sa dalawang Asian Games sa South Korea at Indonesia.
Nais ni Nepomuceno na ibalik ang dangal sa bowling sa biennial meet at higit sa lahat ay bigyan ng kasiyahan ang sambayanan na manonood sa kanila laban sa mga bigatin sa rehiyon.
“We cannot afford to lose in the presence of our countrymen. We will do our very best to win and bring back the glory of bowling,” sabi ng four-time World Cup champion.
Sinabi ni Nepomuceno na magsasagawa sila ng serye ng eliminations para piliin ang pinakamagagaling na bowlers na may kakayahang magbigay ng karangalan sa bansa.
“We will select the best and the finest bowlers to ensure success,” ani Nepomuceno na kamakailan ay ginawaran ng parangal bilang ‘Hall of Famer’, kasama sina track legend Lydia de Vega-Mercado, world boxing champion Erbito Salavarria, at basketball Olympian Ambrosio Padilla. CLYDE MARIANO
Comments are closed.