PH BOWLERS BABAWI SA VIETNAM SEAG

PH bowlers

MAKARAANG dumanas ng kabiguan sa tatlong Southeast Asian Games na ginawa sa Singapore, Malaysia at Filipinas, kumpiyansa si bowling secretary general Bong Coo na makababalik ang kanyang tropa sa winning form sa 2021 Southeast Asian Games sa Vietnam.

Para kay Go ay temporary setback ang dinanas ng mga bowler at nangako ang multi-titled at dating Asian Masters queen na babawi ang mga ito upang maibalik ang paghanga at paggalang ng mga kalaban.

“Temporary setback ang nangyari. Makababalik ang ating mga bowler sa kanilang winning form upang muling iwagayway ang bandila ng Pinas,” wika ni Coo.

“Minalas at mailap ang medalya sa tatlong nagdaang SEA Games. Ginawa nila ang lahat, talagang hindi sa kanila ang laro,” ani Coo.

Sinabi ni Coo na paghahandaan nila nang husto ang 2021 SEA Games dahil ang puntirya nila ay manalo ng maraming medalya upang makuha ang overall crown sa sport.

Gagawin ang biennial meet sa Hanoi at Ho Chi Minh.

“I reminded them to forget the mediocre campaign in the last three SEA Games and focus their concentration in the 2021 edition,” ani Coo.

Sinabi ni Coo na magsasagawa sila ng serye ng elimination para piliin ang pinakamahuhusay na bowlers na kakatawan sa bansa sa Vietnam.

“The best male and female bowlers after the eliminations will represent the Philippines in the next SEA Games. Only the best will go,” dagdag pa niya. CLYDE MARIANO

Comments are closed.