MAGIGING panauhin ang mga miyembro ng Philippine bowling team na nagwagi ng mga medalya sa International Bowling Federation (IBF) World Championships sa Dubai sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes.
Bibisita sa 11 a.m. session sina Philippine Bowling Federation secretary-general at Hall of Famer Bong Coo, women’s coach Jojo Canare, at national team stalwarts Rachelle Leon at Merwin Tan.
Tatalakayin nila ang katatapos na kampanya sa world meet kung saan kapwa nag-uwi ang men at women’s side ng bronze medals, ang nalalapit na Southeast Asian Games sa Hanoi, at ang tsansa ng bowling matapos na maisama sa 2022 Hangzhou Asian Games.
Ang weekly public sports program ay itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Daily Tribune, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).