LUMIIT ang budget deficit ng national government noong Oktubre habang patuloy sa pagbaba ang public spending sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa datos na ipinalabas ng Bureau of the Treasury (BTr), ang budget deficit noong nakaraang buwan ay nasa P61.4 billion, mas maliit kumpara sa P138.5-billion shortfall noong Setyembre.
“This highlights slower government spending both on a year-on-year basis (-7%) and also on a month-on-month basis to P289 billion, among the lowest in eight months or since February 2020 and also among the slowest in a year (since August 2019),” pahayag ni Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort.
Ayon kay Ricafort, ang mas maliit na budget gap noong nakaraang buwan ay bahagyang nagpapakita sa mas mabagal na deployment/rollout ng P140 billion Bayanihan 2 Law funds noon.
Noong nakaraang buwan ay binatikos ang Department of Budget and Management (DBM) ng mga mambabatas sa mabagal na pagpapalabas ng mga pondo na inilaan sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.
Sa kasalukuyan ay nasa P90 billion ng P140 billion appropriations sa ilalim ng Bayanihan 2 ang naipalabas na.
Year-on-year, ang budget deficit ay lumaki ng 24.56 percent mula sa P49.3-billion fiscal gap noong Oktubre 2019.
“The budget gap widened behind a 12.75% year-on-year contraction in revenue receipts despite a 6.84% reduction in disbursements,” sabi ng BTr.
Comments are closed.