LUMIIT ang fiscal balance ng bansa noong Nobyembre makaraang mahigitan ng state revenues ang spending sa naturang panahon, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Sa datos ng BTr, ang budget deficit ng pamahalaan ay nasa P123.9 billion, bumaba ng 3.71% mula sa P128.7-billion fiscal shortfall na naiposte sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Samantala, ang year-to-date budget shortfall ay nasa P1.236 trillion, mas mababa ng 7.23% kumpara sa P1.33-trillion fiscal gap na naiposte sa 11-month period a noong nakaraang taon at bumubuo sa 75% ng P1.7 trillion full-year fiscal gap ceiling.
Nagresulta ito sa mas mataas na revenues, na nahigitan ang pagtaas sa government spending mula Enero hanggang Nobyembre.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ang year-to-date revenues ay umakyat sa P3.3 trillion, mas mataas ng P503.1 billion o 18.1% kumpara noong nakaraang taon at kumakatawan sa 99% ng P3.3 trillion goal para sa 2022.
Ayon pa sa datos ng BTr, ang tax revenues para sa 11-month period ay nagkakahalaga ng P2.960 trillion, tumaas ng 17.5% mula P2.519 trillion year-on-year.
Samantala, ang non-tax revenues ay tumaas ng 24.6% sa P317.7 billion mula P255 billion.
“Year-to-date, the national government spending reached P4.513 trillion, about 91% of the P5-trillion full-year program, and was 9.9% higher than the previous year’s 11-month total of P4.106 trillion,” ani Diokno.