PH BUDGET DEFICIT LUMIIT(P179.8-B noong September)

Bureau of the Treasury

PUMALO sa P179.8 billion ang budget deficit ng Pilipinas noong September, bahagyang mas mababa kumpara sa P180.9 billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Sinabi ng BTr na lumiit ang budget gap sa paglago ng revenues ng 24.79 percent noong nakaraang buwan, mas malaki sa 13.63 percent growth sa spending.

Dahil dito, ang kabuuang fiscal deficit mula January hanggang September ay nasa P1.01 trillion, mas mababa sa P1.14 trillion deficit na naiposte sa kaparehong panahon noong 2021.

Mas mababa rin ito sa P260.6 billion year-to-date goal na P1.3 trillion sanhi ng mas mataas na receipts at mas mabagal na expenditure growth.

Magmula nang simulan ang taon, ang kita ng gobyerno ay pumalo sa P2.66 trillion, mas mataas sa P2.24 trillion na nalikom sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Gayunman, ang expenditures ay tumaas din sa P3.67 trillion, mula P3.38 trillion.