TUMAAS ang budget deficit ng bansa noong Oktubre dahil sa mas malaking paggasta, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Sa isang statement, sinabi ng BTr na ang budget gap ay umabot sa P99.1 billion, o tumaas ng 54.08% year-onyear mula sa P64.3 billion.
Ang numero ay nagtulak sa gap para sa January-October period sa P1.1 trillion, lumiit ng P91.6 billion mula noong nakaraang taon.
Ayon sa BTr, ang budget deficit noong Oktubre ay tumaas dahil sa accelerated government spending na 22.23% versus 14.4% revenue growth.