PH CHESSERS KUMPIYANSA SA WORLD CUP

Janelle Mae Frayna

TIWALA ang lahat ng apat na kinatawan ng Filipinas sa 2021 Chess World Cup sa kanilang kampenye sa prestihiyosong event na gaganapin sa July 10-Aug. 3 sa Sochi, Russia.

“Although we’re the underdogs, I’m still confident of our chances,” wika ni Janelle Mae Frayna, ang unang babaeng Grandmaster ng bansa, sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum noong Martes.

Ang 24-anyos na si Frayna ay unang babae rin na kumatawan sa bansa sa event na bahagi rin ng selection process para sa World Championship. Nais niyang maging memorable ang kanyang pagsabak sa Sochi.

“The first match is very important given that we are against players ranked higher than all of us,” sabi ni Frayna, na makakalaban si Hungarian Hoang Tranh Trang, orihinal na nagmula sa Vietnam at ngayo’y ranked No. 54 sa mundo, sa first round.

Minsan nang nakalaban ni Frayna ang Hungarian sa 2018 Chess Olympiad, kung saan natalo ang Pinay na may rating na 2179. Subalit sinabi niya na hindi ito makapipigil para kunin niya ang panalo sa classical match na maaaring tumagal ng tatlong araw.

“Hindi ako natatakot sa kanya kasi I had good chances even though I lost when we played in the 2018 Olympiad,” sabi ni Frayna patungkol sa kanyang katunggali na may rating na 2404.

Lalahok din sa torneo sina 16-year-old Daniel Quizon, 15-year-old Michael Concio Jr. at 22-year-old GM hopeful Paulo Bersamina. Ito rin ang unang pagkakataon na lalaro sila sa World Cup.

Target nina Quizon at Concio, na nakapasok sa event kasunod ng 1-2 finish sa Asian Zonal 3.3 qualifier, ang kanilang GM norms, habang si Bersamina, na tulad ni Frayna ay ni-nominate ng NCFP ay nangangailangan na lamang ng 38 points para makopo ang GM title.

“I’ll probably need to win seven games in the World Cup but I know it will be difficult,” ani Bersamina, na may ELO rating na 2462. Makakaharap niya si 15-year-old Indian GM Rameshbabu Praggnanandhaa sa kanyang opening match.

“They say he’s a future world champion. Tinalo ko na siya nung 11 years old pa lang siya at mataas pa ang rating ko,” ani Bersamina sa forum na dinaluhan din ni GM Jayson Gonzales, chief executive officer ng Philippine Chess Fe­deration. CLYDE MARIANO

77 thoughts on “PH CHESSERS KUMPIYANSA SA WORLD CUP”

  1. 785786 193042Wow, incredible weblog structure! How long have you been running a weblog for? you created running a blog appear effortless. The entire appear of your web site is magnificent, neatly as the content material material! 913216

Comments are closed.