PH CHESSERS MABIGAT ANG LABAN SA OLYMPIAD

GOMEZ-FRAYNA

AALIS ngayong araw ang mga Pinoy chess player para sumabak sa 43rd Chess Olympiad na gaganapin sa Batumi, Georgia sa Setyembre 23.

Labintatlong manlalaro, sa pangunguna nina Grandmaster John Paul Gomez at Women GM Janelle Mae Frayna, ang kakatawan sa Pinas sa prestihiyosong torneo.

Si Frayna, tubong Bicol, ang unang babaeng GM. Nakuha niya ang coveted GM norm sa Chess Olympiad na ginanap sa Baku, Azerbaijan. Ang kanyang presensiya sa koponan ay inaasahang magpapataas sa morale at fighting spirit ng women players sa torneo.

Kasama rin sa 13-man team sina Julio Catalino Sadorra, Haridas Pascua, Jan Emmanuel Garcia, Marie Joseph Logizestehai Turqueza , Catherine Secopito, Shania Mae Mendoza, Marie Antoinette San Diego, at Bernadette Galas.

Sa gabay nina coaches GMs at veteran Olympians Eugene Torre at Jayson Gonzales, makikipagsaba­yan ang mga Pinoy sa mga kalaban 16-day competition.  Ang kanilang kampanya ay suportado ng ­Philippine Sports Commission na pinamumunuan ni Chairman William Ramirez.

Inamin ni Torre na mabi­gat ang laban ng mga Pinoy dahil lahat ng magagaling na chess players sa mundo ay kalahok, sa ­pangunguna ng mga pambato ng powerhouse Russia.   CLYDE MARIANO

Comments are closed.