NABAWI ng San Miguel Beer ang katayuan nito bilang pinakamahusay na All-Filipino squad sa 119-97 panalo kontra TNT sa do-or-die Game 7 ng PBA Philippine Cup finals kagabi sa Araneta Coliseum.
Huling hinawakan ng Beermen ang All-Filipino title noong 2019, ang kanilang huli sa limang sunod na taon magnula noong 2014.
Makaraang maghabol ng limang puntos, 47-42, bago ang halfway mark ng second period, bumanat ang Beermen ng 14-0 run upang kunin ang 56-47 lead.
Pumasok ang San Miguel sa second half na may 66-55 kalamangan matapos ang 37-point scoring output sa second period.
Naglaro na wala si head coach Chot Reyes, inilagay sa health at safety protocols bago ang laro, nawala rin sa TNT si center Poy Erram, na napatalsik dahil sa Flagrant 2 bago matapos ang first half.
Nagsanib-puwersa sina CJ Perez, June Mar Fajardo, at Chris Ross para sa Beermen na giniba ang Tropang Giga sa lopsided fourth quarter upang makopo ang record-extending 28th championship.
Na-outscore ng San Miguel ang TNT, 35-8, sa final frame.
Nanguna si Perez na may 25 points, 7 rebounds, at 4 rebounds, habang hataw si Fajardo, itinanghal na Finals MVP, ng 19 points, 18 rebounds, 5 assists, at 2 steals.
Nagdagdag si Ross ng 12 points, 5 rebounds, at 4 assists, kabilang ang ilang three-pointers sa final period.
CLYDE MARIANO
Iskor:
San Miguel (119) – Perez 25, Fajardo 19, Manuel 16, Lassiter 15, Tautuaa 13, Ross 12, Enciso 12, Cruz 4, Brondial 3, Canete 0, Faundo 0, Pessumal 0, Zamar 0.
TNT (97) – Castro 32, M. Williams 22, Pogoy 16, Rosario 11, Erram 7, K. Williams 6, Marcelo 3, Montalbo 0, Ganuelas-Rosser 0, Reyes 0, Alejandro 0.
Quarters: 29-31, 66-55, 84-89, 119-97.