NAKASENTRO sa mga produktong pamumuhay na ginawa mula sa natural at eco-sustainable materials ang partisipasyon ng Filipinas sa INDEX Dubai, ang pinakamalaking design event sa Middle East at North African (MENA) region, na magbubukas ngayong darating na Setyembre 17-19, 2019 ay gaganapin sa Hall 3 ng Dubai World Trade Centre, United Arab Emirates (UAE).
Inorganisa ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM), ang export promotion arm ng Department of Trade and Industry (DTI), sa pakikipag-partner sa Export Marketing Bureau (EMB) at Philippine Trade and Investment Center sa Dubai (PTIC-Dubai), ipakikita ang partisipasyon ng pitong kompanya mula sa iba’t ibang sektor ng pamumuhay tulad ng furniture & furnishings, home decor at fashion accessories.
“This participation will bring to the forefront the resourcefulness and ingenuity of our skilled Filipino craftsmen and designers,” pahayag ni DTI-CITEM Executive Director Pauline Suaco-Juan. “Through their intricate and innovative pieces, these exhibitors will help elevate Philippine design in both the Middle Eastern and the global markets.”
Ang mga mag-e-exhibit sa ilalim ng partisipasyon ng Filipinas ay ang kompanya tulad ng James Doran-Webb na Furniture Doctor. Parehong gumagamit ng raw at re-engineered driftwood para makalikha ng orihinal at mga magagamit na furniture pieces.
Isa pang furniture exhibitor, ang Coast Pacific, ang babalanse sa paggamit ng natural at synthetic na materyales sa paggawa ng bagong weaving patterns at magpapahusay sa traditional techniques para sa kanilang product line. Kasali sa furniture companies sa Dubai ay dalawang fashion accessory brands: traditional jeweler, Kit Silver; at minaudière maker, Mele + Marie.
Isa pang kumompleto sa listahan ang dalawang home décor at accessory companies: Arden Classic na may halo ng natural na seashells at metal-works na nagpapakita ng ganda ng kalikasan; at Bon-Ace ng kanilang aksesoryang pambahay na gawa sa all-natural materials na dinisenyo na may impluwensiyang Filipino at Italian.
Matapos madoble ang kanilang sales target noong nagdaang edisyon noong isang taon, na kumita ng US$2.77M, tina-target ngayon ng Filipinas na makalikom ng US$2.9M sa export sales para sa exhibit ngayong taon.
Comments are closed.