PH ‘DI KAILANGANG BUMILI NG COVID-19 VACCINE

INIHAYAG  ni Health Undersecretary at Outgoing National Vaccinations Operations Center Head Myrna Cabotaje na mayroong sapat na suplay ng COVID-19 vaccines ang bansa.

Aabot hanggang sa katapusan ng taon ang suplay kaya’t hindi kakailanganin ng papasok na administrasyon na bumili ng bakuna laban sa nakakahawang sakit.

Sinabi ni Cabotaje na bukod dito ay mayroon din dadating na karagdagang suplay ng mga bakuna mula sa COVAX facility.

Dagdag ni Cabotaje na bibili lamang ang pamahalaan ng COVID vaccines kung babakunahan na rin ang mga batang edad lima hanggang 11 dahil iba ang formulation ng bakuna para sa nasabing age group.