TULOY-TULOY ang pagbabayad ng Filipinas sa foreign debts nito sa kabila ng posibilidad ng recession dahil sa COVID-19 pandemic, ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno.
“The Philippine economy might not escape a recession this year, but unlike most emerging economies, it is starting from a position of strength, and thus, will not risk a debt default as a result of the Covid-19 pandemic,” wika ni Diokno.
Sa pagtaya ng mga economic manager, maitatala ang zero to negative 1 percent output sa domestic economy ngayong taon dahil sa pandemya.
Noong 2019, ang ekonomiya ay lumago ng 5.9 percent.
“The world economy is expected to register its deepest global recession this century as the pandemic is projected to result in ‘virulent mix of monu-mental debt-to-GDP ratio’,” sabi pa ni Diokno.
Comments are closed.