PH DIVERS SASALANG NA

PH divers

CAPAS, Tarlac – Hindi kalakihan ang inaasahan, sasalang na sa aksiyon ang Filipino divers sa pagsisimula ng pre ng 30th Southeast Asian Games diving competitions ngayon sa New Clark City Aquatics Center dito.

Sasabak sina Fil-Am Monique de Maisip, double gold medalist sa Asian age group championships sa Bangalore, India noong nakaraang Oktubre, at Rose Ann Ocmer sa unang pagkakataon sa women’s three-meter springboard diving event ng biennial meet simula sa alas-12:30 ng umaga.

Makakasagupa nila ang mga diver mula sa Malaysia, Thailand, Singapore at Vietnam.

Walang entry sa men’s synchronized three-meter springboard competition na nakatakda sa alas-3:30 ng umaga.

Sa Sabado, si Francis Deorelar, nagwagi rin ng gold sa Asian age group meet, ang magiging nag-iisang entry sa men’s three-meter springboard diving event habang magtatambalan sina Demaisip at Ocmer sa women’s synchronized three-meter springboard event.

Hindi lumahok ang mga Pinoy sa diving event sa 2017 Malaysia SEA Games habang ang huling pagkakataon na sumisid ng ginto ang Pinoy divers sa meet ay sa 2007 Thailand edition.

Ito ay nang madominahan ni Davao City native Sheila Mae Perez ang women’s three-meter springboard diving event habang nanguna ang tambalan nina Ryan Rexel Fabriga at Jaime Asok sa men’s 10-meter synchronized competition.

Comments are closed.