TINAPOS ng Filipinas ang 2019 na may pinakamalaking dollar reserves sa likod ng kita ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) mula sa foreign exchange operations, overseas investments at inflows mula sa borrowing program ng gobyerno.
Sa datos ng central bank, ang gross international reserves ng bansa ay tumaas ng $1.63 billion sa $87.86 billion hanggang end-December 2019 mula sa $86.23 billion noong end-November 2019.
Naitala ang pagtaas ng halos 11 percent sa $79.1 billion na dollar reserves na naiposte sa pagtatapos ng 2018.
“A large buffer of dollar reserves helps insulate the local economy from volatility caused by sudden exit of capital as it helps stabilize the peso against foreign currencies like the US dollar,” ayon sa BSP.
Sinabi pa ng BSP na ang dollar inflow ay bahagyang napaluwag ng outflows para sa foreign debt payments.
Ayon sa central bank, ang end-December 2019 level ng dollar reserves ay nagbigay ng sapat na liquidity buffer para sa 7.7 buwang halaga ng imports ng goods at services at pagbabayad ng primary income.
Ang dollar level ay katumbas din ng 4.3 hanggang 5.5 beses ng external debt ng Filipinas.
Sa datos pa ng BSP, ang net international reserves ay tumaas ng $1.62 billion sa $87.83 billion hanggang end-December 2019 mula sa end-November 2019 level na $86.21 billion.
Bago ang full year 2019 level, ang all-time high record ng dollar reserves ng bansa ay nasa $83.8 billion sa pagtatapos ng 2012. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.