UMANGAT ang gross international reserves (GIR) ng bansa para sa buong taon ng 2020 sa $109.8 billion noong Disyembre, mas mataas ng $4.98 billion mula sa $104.82 billion sa naunang buwan.
“The latest GIR level represents an adequate external liquidity buffer, which can help cushion the domestic economy against external shocks. This buffer is equivalent to 11.7 months’ worth of imports of goods and payments of services and primary income,” ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sinabi ng central bank na tumaas ang GIR dahil sa foreign exchange operations nito, sa foreign currency deposits ng national government sa BSP mula sa ROP Global Bonds, at sa revaluation gains mula sa gold holdings nito.
Naunang sinabi ng BSP na aktibo itong nangangalakal ng gold para samantalahin ang paborableng bullion prices sa pandaigdigang merkado.
Comments are closed.