PH ECONOMIC GROWTH OUTLOOK TINAPYASAN NG ADB

Philippines Country Director Kelly Bird

BINABAAN ng Japan-led multilateral lender Asian Development Bank ang Philippine economic growth outlook nito dahil sa downside risks tulad ng El Niño at ng pagkakaantala ng pag-apruba sa 2019 budget.

Sa Asian Development Outlook (ADO) 2019 na ipinalabas kahapon, ang ADB ay umaasa ngayon na ang ekonomiya ng Filipinas ay lalago ng 6.4 percent ngayong taon, mas mabagal sa nauna nitong pagtaya na 6.7 percent.

“The main factor would be the faster-than-expected slowdown in the global economy,” wika ni ADB Philippines Country Director Kelly Bird.

“The risks to the growth outlook are tilted on the downside, with rising local investments likely offsetting any impact from a faster-than-expected slowdown in the global economy,” aniya.

Binanggit din ni Bird ang downside risks sa Philippine growth tulad ng tagtuyot at ng re-enacted budget.

“I think yes, the delay in the approved budget has slowed expenditure, but the government will have opportunities to catch up so once it is approved, we expect a catch-up,” aniya.

Ang Filipinas ay kasalukuyang nag-o-operate sa ilalim ng re-enacted budget dahil sa hindi pagka-kasunod ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Comments are closed.