PH ECONOMIC GROWTH TARGET PINAREREBISA

PH ECONOMIC GROWTH

IMINUNGKAHI ng isang opisyal ng Kamara ang muling pag-aaral sa itinakda ng gobyerno na target nitong economic growth ng bansa para sa 2020 bunsod na rin ng patuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kasabay nito, hi­nimok ni House Committee on Trade and Industry Chairman at 1st Dist. Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian ang local economic managers na paghandaan ang mabigat na epekto ng nasabing kinatatakutang sa­kit, partikular  sa sektor ng kalakalan at industriya, gayundin sa turismo.

“The increasing number of COVID-19 cases being reported all over the globe are a serious cause of concern and our economic managers must prepare for a pandemic scenario. We need to prepare and have contingencies in place,” sabi ng House panel chairman.

Nasa 6.5 hanggang 7.5 percent ang economic growth target ng pamahalaan ngayong 2020 mula sa 5.9 percent na naitala noong nakaraang taon.

Subalit para sa Moody’s Investors Service, nasa 6.1 percent lang mula sa una nilang projection na 6.2% ang magiging GDP growth ng Filipinas ngayong taon.

Ayon kay Gatcha­lian, mismong ang Department of Tourism (DOT) ay nagpahayag na aabot sa P42.9-B ang mawawalang kita ng bansa mula sa turismo mula sa 1.2 milyong Chinese tourists na inaasahan sanang bibisita o mamamasyal dito.

Dagdag ng Valenzuela City lawmaker, sa nakaraang joint hearing ng Committees on Economic Affairs at Trade & Industry, iniulat ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagkakaproblema ang ilang pabrika sa suplay ng electronic parts at components na mula sa China.

Ito’y dahil sa limitadong air cargo space, biyahe ng eroplano at ipinatutupad na travel ban sa China, na siyang pinagmulan ng CO­VID-19.

“Several auto hubs in Wuhan, the epicenter of the COVID-19 epidemic, have shutdown due to the lockdown. The lockdown has also deferred production and deliveries of pharmaceutical companies,” sabi pa ng kongresista.

“There is now a need to revisit economic growth target for 2020 due to the continuing COVID-19 crisis,” dagdag pa niya. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.