PH ECONOMY BALIK-SIGLA SA 2022

Undersecretary Karl Kendrick Chua

KUMPIYANSA ang National Economic and Development Authority (NEDA) na muling sisigla ang takbo ng ekonomiya ng bansa pagsapit ng 2022.

Ayon kay Socio-Economic Planning Sec. Karl Kendrick Chua, bagama’t malaki-laki ang ikinalugi ng bansa dulot ng COVID-19 pandemic na sinabayan pa ng sunod-sunod na kalamidad, madaling nakapag-aadjust ang mga polisiya ng gobyerno.

Bago pa tumama ang pandemya, ipinunto ni Chua na matatag at maganda na ang growth trajectory ng Filipinas na nasa upper middle-income economy.

Naniniwala si Chua na kakayaning makabawi ng Filipinas lalo na kung mananatiling maayos ang risk management approach ng pamahalaan sa mga susunod na buwan. DWIZ 882

Comments are closed.