KUMPIYANSA ang pamahalaan na makababawi ang export performance sa mga susunod na buwan matapos ang 6 porsiyentong pagbagal sa first quarter, ayon sa isang senior trade official.
Sinabi ni Senen M. Perlada, director ng Export Marketing Bureau ng Department of Trade and Industry (DTI), na ang commodity exports ay magtatala ng mas mataas na bilang sa second quarter dahil sa upbeat business climate ng bansa.
Ayon kay Perlada, patuloy na mangunguna ang electronics sa merchandise exports, habang ang non-electronics ay inaasahang mas maganda ang ipakikita sa second quarter.
“We forecast electronics would continue on its growth trend, while non-electronics will start to recover from its double-digit decline. This is based in business expectations survey of the BSP [Bangko Sentral ng Pilipinas], which now includes forecast for the second quarter for business in general, exporters and importers [alike],” ani Perlada.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang merchandise goods na iniluwas ay bumaba sa $15.75 billion sa January-to-March period mula sa $16.76 billion na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Gayunman, ang kumpiyansa ni Perlada ay hindi sinusugan ng local exporters.
Ayon kay Sergio R. Ortiz-Luis Jr., presidente ng Philippine Exporters Confederation Inc., ang kawalan ng katiyakan sa global trade at ang mas mahigpit na domestic regulation sa contractualization ay makaaapekto sa pagbawi ng export performance.
Aniya, kailangang harapin ng mga exporter ang dalawang isyu na ito, at pigilan ang impact ng trade tension.
“Well, exports went down because of many reasons. Among them is that agriculture went down because they had a supply problem. Second, and [from what] I understand, a lot of our exporters, especially in handicrafts, held off from hiring people and expanding [operations] because of the issue on contractualization,” ani Ortiz-Luis.
“And on the global level, there is an instability to a certain degree. We cannot really say if we will bounce back as usual, but we are hoping that our exports will rebound,” dagdag pa niya.
Target ng pamahalaan na lumago ang exports ng 9 percent ngayong taon, mas mababa sa revised 10.17 percent expansion noong nakaraang taon. ELIJAH FELICE ROSALES
Comments are closed.