PH EXPORTS BUMABA SA 1ST QUARTER

exports

MAHIHIRAPAN ang Pilipinas na makamit ang export at import targets nito ngayong taon dahil sa mahinang external performance sa first quarter ng taon, ayon sa mga ekonomista.

Iniulat kahapon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang export rev-enues ng bansa ng 6 percent habang nagposte ang imports ng  6.8 percent growth lamang sa unang tatlong buwan.

Ang merchandise exports ng bansa ngayong taon ay inaasahang magtatala ng 9 porsiyentong paglago habang ang imports ay tinatayang lalago ng 10 percent ngayong taon.

“It is seasonal for exports but I was expecting higher import growth because of infra-structure spending and related activities,” pahayag ni University of Asia and the Pacific School of Economics Dean Cid Terosa sa BusinessMirror.

Dahil sa pagbaba ng export performance, sinabi ni Terosa na kailangan ng bansa na magposte ng 14 percent growth sa susunod na tatlong quarters upang matamo ang target ng pamahalaan.

Para naman sa imports, kailangan, aniya, ng bansa na makapagtala ng 11- 12 per-cent growth sa susunod na tatlong quarters upang maabot ang target.

Nangangahulugan lamang ito na kailangan ng bansa na kumayod nang husto upang makamit ang mga target nito sa susunod na tatong quarters.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernest M. Pernia, kaila­ngang pag-butihin ng bansa ang marketing efforts nito para makapagbenta ng mas maraming produkto sa ibang bansa.

“As evident from the slowdown in trade figures of Asia, and even negative perfor-mance of the Philippines, China, and India in the latest exports figures, the Philippine government should double its efforts in marketing the country’s export products to in-ternational consumers,” ani Pernia.

Sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang total mer-chandise trade ng bansa ay bumaba ng 3.4 percent noong Marso 2018 sa pagbagsak ng exports habang lumago ang imports ng 0.1 percent lamang mula noong nakaraang taon.

Ang halaga ng exports ay bumaba ng 8.2 percent, matapos ang 26.9 percent growth noong Marso 2017, sa likod ng pagbaba ng kita mula sa benta ng manufactured goods, agro-based products, minerals at petroleum products.

Samantala, ang total exports ng bansa ay bumagsak sa $5.51 billion noong Marso 2018 mula sa $6 billion noong Marso 2017.

Sa datos ng PSA, ang exports ng bansa sa  top 10 market destinations nito para sa Marso 2018 ay nagkakahalaga ng $4.64 billion o 84.2 percent share ng kabuuan.

Ang top three markets ng Pilipinas para sa Marso ay ang United States na may ex-ports na nagkakahalaga ng $865.25 million o 15.7 percent ng total exports; Hongkong, $847.60 million o 15.4 percent ng total; at Japan, $774.63 million o 14.1 percent share ng total.

Ang import bill ng bansa mula sa top 10 import sources para sa Marso 2018 ay nagkakahalaga ng $6.14 billion o 75.6 percent share ng kabuuan.

Ang top three sources ng imports noong Marso ay ang China na bumubuo sa 15.3 percent ng kabuuan o $1.24 billion; Japan, 11 percent o $891.21 million; at Republic of Korea, 10.2 percent o $830.88 million ng kabuuan.  CAI ORDINARIO

 

Comments are closed.