PH EXPORTS BUMABA(Sa $6.2-B noong Hulyo)

PH EXPORT-2

SUMADSAD ang Philippine exports sa USD6.2 billion noong July 2022 kasunod ng ikalawang buwan ng pagbaba sa electronics exports, ayon sa preliminary data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang electronics exports ay bumaba pa ng 7.9% noong Hulyo, mas mababa ng USD291.5 million kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa kabila ng pagbaba, ang electronics sector ay nananatiling top export commodity ng bansa, na may total revenue na USD3.4 billion, o 54.6% ng total exports ng bansa.

Samantala, ang cumulative electronics export figures mula Enero hanggang Hulyo 2022 ay nananatiling mas mataas ng 2.0% kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Nakapag-ambag din ang paghina ng export performance ng copper cathodes at iba pang mineral products sa pagbaba ng export receipts ng bansa noong Hulyo,

Gayunman, ang pagbaba ay pinalamig ng pagtaas sa exports ng bansa sa 22 iba pang commodity groups sa pangunguna ng coconut oil, gold, chemicals, iba pang manufactured goods, at machinery and transport equipment.

“Despite this month’s decline, total exports for the first seven months of the year, which totaled USD44.7 billion, are still 5.4% higher compared to 2021 export figures. Cumulative export growth was driven by higher sales generated from coconut oil, electronic products, other mineral products, gold, and chemicals,” ayon sa PSA.

Ang exports sa major trading partners na kinabibilangan ng Singapore (33.1%), Netherlands (18.3%), at USA (13.0%), ay nagtala ng double-digit growth sa naturang buwan.

“We recognize the continuing challenges in the domestic and global trading environment and we hope to address the binding constraints to Philippine export competitiveness as we draft and implement the Philippine Export Development Plan (PEDP) for 2023 to 2028. The PEDP being drafted features a more robust analysis of our priority export products and its corresponding markets, wider stakeholder engagement, and a proactive legislative agenda”, sabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual.

“We will pursue industry clustering and regional approach to export development to advance the implementation of production-based regional development. We will also disperse innovation throughout the country and drive regional industrialization by establishing and supporting Regional Inclusive Innovation Centers (RIICs) that will enable collaboration among innovation agents to develop and commercialize market-oriented outputs,” dagdag pa niya.

Sa agricultural goods, ang coconut oil pa rin ang top export product ng bansa para sa January-July 2022. Ang export value ng coconut oil ay umabot sa USD1.5 billion o mas mataas ng 102.58% kumpara sa pre-pandemic level. Sa kabuuan, ang exports ng coconut products ay tumaas sa USD1.8 billion o 88.6% mula sa USD955.8 million noong 2021.