PH EXPORTS, IMPORTS BUMABA

IMPORTS-EXPORTS

LUMIIT ang trade deficit ng bansa noong Nobyembre kung saan kapwa bumaba ang exports at imports, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos ng PSA, ang trade gap ay bumaba ng 18 percent sa $3.34 billion (P169 billion) noong Nobyembre kumpara sa kahalintulad na buwan noong 2018. Ang total external trade para sa buwan ay lumiit sa $14.54 billion.

Bumaba rin ang exports ng 0.7 percent sa $5.6 billion noong November 2019 mula sa $5.64 billion, habang ang imports ay bumagsak ng 8 percent sa $8.94 billion.

“Larger imports compared to exports is a source of weakness for the peso,” ayon sa mga economist at analyst.

Inaasahang mananatili ang trade deficit sa pagtatayo ng bansa ng mga bagong imprastruktura at sa pagpapalawak ng mga kompanya ng kanilang operasyon.

Ang Japan ang pinakamalaking merkado ng Filipinas para sa exports noong Nobyembre, sumusunod ang United States, Hong Kong, China at Singapore.

Nananatili naman ang China bilang top import partner, kasunod ang Japan,  United States, Thailand at Korea. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.