PH EXPORTS LUMAGO SA Q3 NG 2019

exports

SA GITNA ng global uncertainty na nag-ugat sa umiigting na US-China trade war, nanatiling matatag ang exports ng Filipinas kung saan lumago ito ng 5.1% year-on-year sa US$ 25.0 billion sa 3rd quarter ng taon.

Ang nasabing paglago ay mas mataas pa sa second quarter yoy rate na  4.3%.

“President Rodrigo Duterte’s directive of being a friend to all nations allowed the Philippines to grow our exports despite the ongoing US-China trade war, which may have caused the decline in exports of other countries,” wika ni  Trade Secretary Ramon Lopez.      Sinabi pa ni Sec. Lopez na itinutulak ng Filipinas ang pagpapatibay sa free trade agreements tulad ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at ng Philippine-Korea Free Trade Agreement sa 2020 upang mapalawak ang market access para sa manufactured goods, gayundin sa agri-based products.

“The Philippines is also working on a free trade agreement with the United Arab Emirates (UAE) and is exploring new export markets in consumer-rich Africa,” aniya.

Ayon sa trade chief, ang export marketing ay kasabay dapat ng pagtaas ng supply upang matugunan ang demand o pangangailangan ng foreign markets.

Ang Q3 export growth performance ay pinalakas ng 8.6% yoy increase sa  services exports, na may ka-buuang US$ 11.1 billion para sa quarter. Sinuportahan din ito ng 2.4% yoy uptick sa goods exports na nagkakahalaga ng US$ 13.9 billion.

Ang paglago sa services exports ay pinalakas ng double-digit increase sa exports ng travel services dahil sa mas malaking international tourist arrivals.     Bukod sa travel services, ang Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) ay nag-ambag din sa magandang performance ng services exports.

Samantala, ang exports ng electronics products, bananas, at forestry at mineral products ay nakatulong sa moderate increase sa exports ng goods.

“Goods and services’ exports climbed 3.7% yoy to US$ 70.4 billion on a cumulative basis spanning January to September 2019. Services exports rose by 7.7% yoy to US$ 30.6 billion driven by travel services as well as technical, trade-related, and other business services. Meanwhile, goods exports increased by 0.7% yoy to US$ 39.8 billion primarily because of fruits and vegetables,” ayon sa DTI.

Comments are closed.