PH EXPORTS MATATAG SA GITNA NG GLOBAL TRADE SLOW DOWN

PH EXPORT-2

PATULOY ang paglago ng Philippine merchandise exports para sa ikatlong magkakasunod na buwan, na nagdagdag pa ng 1.5% noong Hunyo nitong taon hanggang US$6.0B mula sa US$5.9B ng kaparehong buwan noong nagdaang taon, ayon sa ipinakita ng paunang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang taon-sa-taon na pagdagdag ay nagdala rin ng paglago sa pa­ngalawang tatlong buwan ng  2019 ng 1.2% kompara sa nagdaang taong tatlong buwang kuwenta. Dagdag pa rin dito, nag-post ang Philippine merchandise exports ng 7.8% rise quarter-on-quarter.

Ang Filipinas ay isa sa tatlong bansa sa lahat ng major trade-oriented Asian economies, kasabay ng Vietnam at Taiwan, na nakapagrekord ng positibong year-on-year export growth rate ng Hunyo  2019.

Ang dagdag ay dala ng mataas na demand mula sa major trading partners tulad ng South Korea na ang import mula sa Filipinas ay umakyat sa 59.9% o ang dagdag na US$113.4 million sa exports value; US, 9.2% o US$82.3 million; Canada, 122% o US$52.7 million; China, 5.7% o US$44.4 million; Vietnam, 26.1% o US$21.5 million; at Japan, 2.0% o US$17.3 million.

“The positive export performance shows that the Philippines continues to be resilient despite the continuing concerns on the US-China trade war, a no-deal BREXIT, and the negative business sentiment that could further weigh down on the growth of global trade,” lahad ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon M. Lopez.

Dagdag pa rin dito, ang magadang ipinakita nitong Hunyo ay dala ng pag-akyat sa export sales ng pito sa nangu­ngunang 10 major export commodities, tulad ng cathodes at section of cathodes ng refined copper (41.7%); sariwang saging (24.4%); ignition wiring set at iba pang wiring sets gamit sa mga sasakyan,  aircrafts and ships (17.6%); gold (10.1%); electronic products (4.3%); makinarya at transport equipment (3.0%) at iba pang produktong  mineral (1.1%).

Ang pagsipa ng exports ng electronics ay nairekord para sa Korea (up by US$106.7 million), US (US$96.9 million), China (US$30.9 million), Vietnam (US$27.4 million), at Indonesia (US$12.1 million).

Samantala, kumuha ang Japan ng mas maraming ignition wiring imports mula sa Pinas (up by US$29.5 million) at Canada, copper concentrates (US$37.9 million), sa kanilang unang shipment sa loob ng susunod na anim na buwan mula zero exports sa parehong panahon noong nagdaang taon.

Habang ang paglago ng export ay nananatiling malakas sa mga susunod na buwan, makukuha ng Filipinas ang target na  2% para sa 2019. Dahil dito, nakikita ng Department of Trade and Industry-Export Marketing Bureau (DTI-EMB) ang total PH merchandise exports na umaakyat sa 2.3% nitong Hulyo 2019. Ang export sa ilang pi­ling sektor na may projection na tataas ng Hul­yo  2019 ay ang Igni­tion wiring, 10.6% at chemicals, 9.6%.

Para mapanatili ang projected growth, masigasig ang DTI sa kanilang pagsisikap sa pagpapa iba ng merkado at produkto gayundin ang promosyon ng PH exports competitiveness sa pamamagitan ng pagde-develop ng export  at layong pagtataguyod ng mga ito at ang pagpapatupad ng Inclusive Innovation Industrial Stra­tegy (i3S).

Comments are closed.